Dating Health Secretary Garin, 'di sumipot sa pagdinig sa usaping may kinalaman sa Dengvaxia

2018-10-29 18:50:59

HINDI dumalo at hindi nagpadala ng kinatawan si dating Health Secretary Janette Garin sapreliminary investigation ngkasong criminal laban sa kanya hinggil sa pagkasawi na diumano'y may koneksyon sa Dengvaxia vaccine.

Nahaharap sa reklamo sina Dr. Garin at iba pang mga kasama mula sa mga pamilya ng mga nasawi at nakatakda sanang magsumite ng kanilang counter-affidavits.

Sinabi naman ni dating Health Secretary Garin na hindi sila nasabihan sa nakatakdang pagdinig at wala pang natatanggap na sipi ng reklamo na ikalawang bahagi na ng reklamong reckless imprudence na naging dahilan ng homicide at paglabag sa batas hinggil sa torture at ng Consumer Act.

Hiniling naman ni Public Attorney's Office chief Atty. Persida Rueda-Acosta na huwag nang hintayin pa ang pagpapaliwanag ni Dr. Garin at ituloy na sa pagdinig upang huwag ng maabala ang pag-usad ng usapin.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino