Bagyong “Rosita” humina na, patungo na sa karagatan

2018-10-31 18:30:51

 

TULUYANG humina ang bagyong “Rosita” at patungo na sa South China Sea ngayong hapon.  Ang bagyong tumama sa Isabela kaninang umaga ay lumabas na sa La Union kaninang ikalawa ng hapon.  Pagsapit ng ika-apat ng hapon, ang mata nito ay nakita sa layong 125 kilometro sa hilagang kanluran ng Dagupan City.


Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, nakataas pa rin ang Storm Signal No. 2 sa Abra, Ilocos Sur, Benguet, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.  Mapanganib ang paglalakbay sa mga pook na ito.


Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Ilocos Norte, Apayao, Kalinga, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Pampanga at Bataan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.  Posible pa ring maganap ang daluyong na aabot sa tatlong metro sa baybay-dagat ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.


Kumikilos na si “Rosita” patungo sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras at may lakas ng hanging 125 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot naman sa 190 kilometro bawat oras.  Makalalabas ito sa Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino