Atty. Mangaoang, isasailalim sa Witness Protection Program

2018-10-31 18:33:39

 

IRIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasama kay Customs Deputy Collector Lourdes Mangaoang sa Witness Protection Program.


Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon.  Ginawa niya ang rekomenasyon matapos tumestigo si Mangaoang sa lupon na kanyang pinamumunuan sa pagsisiyasat sa may P 11 bilyong halaga ng shabu.  Doon sa pagdinig na iyon nagsimulang makatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang mobile phone si Atty.Mangaoang.


Inakusahan ni Mangaoang si dating Custons Commissioner Isidro Lapena ng pagmamaang-maangan sa ginawang pagsusuri ng X-ray scans na nagsasabing may lamang shabu ang magnetic lifters.


Irirekomenda umano ni Senador Gordon ang pagsasailalim kay Atty. Mangaoang sa Witness Protection Program na saklaw naman ni Justice Secrtary Menardo Guevarra.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino