Petisyon laban sa Bangsamoro Organic Law, nakarating na sa Korte Suprema

2018-10-31 18:34:35

 

ISANG petisyon ang nakarating sa Korte Suprema na humihiling na ideklarang taliwas sa nilalaman ng Saligang Batas ang Bangsamoro Organic Law.


Hiniling ni Sulu governor Abdusakur Tan II sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order upang mapigilan ang pamahalaan na magpatupad ng Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Nais din ng gobernador na pagbawalan ang ehekutibo na magpatupad ng taliwas sa Saligang Batas na organic law.  Nagkaroon umano ng pag-abuso sa kanyang poder si Pangulong Duterte ng lagdaan noong ika-26 ng Hulyo na anglalayong magkaroon ng plebesito sa darating na ika-21 ng Enero.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino