Bantog na mang-aawit, Rico J. Puno, pumanaw na

2018-10-31 18:35:45

 

PUMANAW na ang bantog na mang-aawit na si Rico J. Puno sa edad na 65 kaninang umaga.  Ayon sa kanyang manager na si Norma Japitanan, nagtungo ang mang-aawit sa pagamutan noong Linggo upang magpatingin subalit 'di na pinayagang makalabas pa.


May problema umano sa puso na nakita ang mga manggagamot.  Sumailalim na sa operasyon noong nakalipas na Agosto at nilagyan na ng “pacemaker” ang mang-aawit.  Nagkaroon din siya ng triple heart bypass noong Abril ng 2015. 


Nabantog si Rico J. Puno sa mga awiting Ingles na nilahukan ng Pilipino.  Nakilala siya sa mga awiting “May Bukas Pa”, “Lupa”, “Magkasuyo Buong Gabi” at iba pa.


Nagpaabot din ng pakikiramay ang Malacanang at maging ang Pangulong Vicente Sotto ng Senado.  Ayon naman kay Senador Grace Poe, nagugunita niya si Rico Puno na madalas kasama ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. at ng kanyang inang si Susan Roces.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino