Tatlong CAFGU, kabilang sa mga nasawi sa paguho ng lupa sa Mountain Province

2018-11-02 19:33:51

 

TATLONG mga tauhan ng militar, mga kasapi ng CAFGU ang nakasama sa walo kataong nasawi sa paguho ng lupa sa Natonin, Mountain Province.


Ayon kay Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, pawang mga kasama ng Alpha Company ng 77th Infantry Battalion ang mga nasawi.


Nakatalaga sila sa Ubao Patrol Base sa Aguinaldo, Ifugao bago naganap ang sakuna.  Nakabakasyon umano ang mga nasawi ng maganap ang sakuna.  Nagtrabaho umano ang mga CAFGU sa DPWH upang madagdagan ang kanilang kita mula sa allowances.  Naglilingkod umano ang mga CAFGU sa loob ng 15 araw bawat buwan.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino