Komentaryo: Bahaghari, muling masisilayan ng relasyong Sino-Pilipino

2018-11-21 12:49:10 CRI

Nag-usap Martes, Nobyembre 20, 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas kung saan magkasama nilang pinagplanuhan ang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa. Buong pagkakaisa nilang sinang-ayunang ang pagtatatag ng komprehensibo't estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas.

Noong taong 2016, makaraang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte, sinimulan niyang igiit ang indipendiyenteng patakarang panlabas. Dahil dito, nanumbalik sa tumpak na landas ang paraan ng paglutas sa isyu ng South China Sea, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Bukod pa riyan, anim na beses na nag-usap sina Xi at Duterte na nakalikha ng bagong pagkakataon ng pag-unlad sa relasyong Sino-Pilipino.

Sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, ibinibigay ng panig Tsino ang napakalaking pagkatig sa pambansang estratehiyang pangkaunlaran at pangkabuhayang isinusulong ni Pangulong Duterte, kung saan, ang nukleo ay estratehiyang "Build, Build, Build." Napag-alamang sa pamamagitan ng pamumuhunan, pagpapautang, at iba pang porma, nakikilahok ang panig Tsino sa kalahati ng lahat ng proyekto ng estratehiyang ito.

Samantala, natamo ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ang napakalaking pag-unlad nitong dalawang taong nakalipas. Ang Tsina ay nagsisilbi ngayong pinakamalaking tarde partner, pinakamalaking export market, pinakamalaking pinagmumulang bansa ng pag-aangkat, at ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng mga turista ng Pilipinas.

Bukod sa walang humpay na pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa, buong tatag ding kinakatigan ng panig Tsino ang usapin ng pakikibaka laban sa droga at terorismo ng Pilipinas na pinamumunuan ni Pangulong Duterte. Walang humpay ring napapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Pilipino sa larangan ng kultura.

Noong Hulyo ng nagdaang taon, ipinahayag ng panig Pilipino na noong  pa mang 1986, gumawa na ang dalawang bansa ng kapasiyahang isa-isang-tabi ang hidwaan at magkasamang galugarin ang South China Sea. Ayon pa sa pahayag, sa pamumuno nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi, may sapat na katalinuhan ang dalawang bansa para hanapin ang angkop na porma sa magkasamang paggagalugad ng likas na yaman at paghahatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan. Nagbigay naman ng positibong reaksyon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina tungkol dito.

Sa kasalukuyan, nagsisimula nang isakatuparan ang magkasamang aksyon ng katalinuhang pulitikal ng mga lider ng Tsina at Pilipinas. Katulad ng sinabi ni Pangulong Xi, may malawakang komong kapakanan ang Tsina at Pilipinas sa South China Sea. Dapat aniyang patuloy na hawakan at kontrolin ng dalawang bansa ang kanilang alitan sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagkokoordinahan, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyong pandagat para makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at benepisyo ng kanilang mga mamamayan.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang pagdalaw ni Xi  ang unang dalaw na pang-estado ng isang pangulong Tsino sa Pilipinas nitong 13 taong nakalipas. Ito aniya ay may katuturang historikal at mahalagang milestone sa relasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa ni Duterte, makakalikha ng bagong yugto ng kooperasyon ng dalawang bansa ang nasabing pagdalaw. Sang-ayon aniya ang panig Pilipino na magkakasamang pangalagaan ng mga bansa sa rehiyong ito ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Aniya pa, sa paghawak sa mga suliraning pandaigdig, nasa tumpak na posisyon ang Tsina.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino