Wang Yi at Amina, nagtagpo

2018-11-22 16:32:58



Sa Zhong Nan Hai dito sa Beijing, nakipagtagpo Nobyembre 22, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Amina J. Mohammed, Pangalawang Pirmihang Pangkalahatang Kalihim ng UN.


Ipinahayag ni Wang Yi na sa kasalukuyang kalagayan, nangangailangan ang Komunidad ng Daigdig ng isang malakas na UN. Bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, patuloy na iginigiit ng Tsina ang multilateralismo, buong tatag na kinakatigan ang UN na gumanap ng sentral na papel sa mga suliraning pandaigdig at pangalagaan ang mga karapat-dapat na karapatan ng mga umuunlad na bansa. Nakahanda ang Tsina na mahigpit na makipagkooperasyon kasama ng UN sa mga isyung pandaigdig na tulad ng pagharap ng pagbabago ng klima at iba pa at magkasamang pasulungin ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative.


Ipinahayag ni Amina na pinapurihan ng UN ang Tsina sa larangan ng paggigiit ng multilateralismo at gawain ng UN, at inaasahan ng UN na ipagpapatuloy ang mahigpit na pakikipagtulungan sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino