Pagdalaw ni Pangulong Xi, magandang pagkakataong magkasundo at maisulong ang relasyon

2018-11-22 17:56:21

 

ISANG napapanahong pagdalaw ang ginawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas.  Ito ang pananaw ni G. Jaime FlorCruz, dating pinuno ng CNN Beijing Bureau sa nakalipas na apat na dekada.


Isang mensaheng ipinadala sa tagapagbalitang ito, sinabi niya na isang pagkakataon ang naganap na pagbalik-aaralan ang relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas, ipagdiwang ang mga naunang napagkasunduan at alamin ang nararapat pang gawin sa relasyon ng dalawang bansa.


Kasama sa pagdalaw na ito ang magagandang larawan ng dalawang pinuno ng bansa, mga simbolismo at ang mga pahayag na saklaw ng diplomasya.  Mahalaga ang mga ito subalit hindi ito nararapat sumaklaw sa kahalagahan ng mga pag-uusap.  Nakasama ang mga paglagda sa Memorandum of Understanding at mga kasunduang pang-ekonomiya na mahalaga sa magkabilang panig. Nararapat ipagpasalamat ang mga biyayang makakamtan sa mga kasunduan kasama na rin ng kahalagahan ng kapayapaang nananaig sa rehiyon.


Bagaman, ang mga ito ay bahagi lamang ng matagal na proseso ng pakikipagkaibigan sa isang malakas at mayamang kalapit-bansa, dagdag pa ni G. FlorCruz.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino