Masiglang kampanya laban sa illegal online gambling kailangan

2018-11-27 19:07:38

 

SINABI ni Senador Grace Poe na kailangang magkaroon ng crackdown sa mga illegal na banyagang pumapasok sa bansa para sa Philippine offshore o online gaming operations.


Ito ang kanyang panawagan sa pagdinig ng Senate Labor Committee na nakinig sa mga pahayag ng Labor at Immigration officials na ang karamihan ng nagkaroon ng work permits sa bansa ay mga Tsino na nagtatrabaho sa online gaming.


Nakararating umano ang mga banyaga at nagpapakilalang mga turista at nagkakaroon ng special work permits mula tatlo hanggang anim na buwan o ang tinaguriang Alien Employment Permits upang higit na magtagal pa sa bansa.


Magugunitang mayroong mga nagtatrabaho sa online gaming subalit walang work permits.  Sa isang raid na ginawa noong nakalipas na linggo, may 78 mga Tsino ang nadakip sa online gaming.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino