Katarungan, tiniyak na makakamtan ng Filipinang pinatay sa Sweden

2018-11-27 19:09:44

 

IBINALITA ng Department of Foreign Affairs na tiniyak ng mga tagausig sa Stockholm na makakamtan ang hinihiling na katarungan ng mga kamag-anak ng napaslang na si Mailyn Conde Sinambong na pinaslang ng kanyang mister noong ika-23 ng Setyembre.


Ito ang nabatid mula sa Department of Foreign Affairs na nagpadala sa kapatid at pinsan ng biktima sa Stockholm upang makausap ng mga autoridad doon.


Ipinadala ang mga kamag-anak mula sa Cebu upang makausap ng mga autoridad at makita ang labi ng biktima.


Wala pang detalyes kung kalian maiuuwi ang labi sa Pilipinas.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino