Bagong punong mahistrado, hinirang na ni Pangulong Duterte

2018-11-28 18:12:30

SI Associate Justice Lucas Bersamin ang hinirang na chief justice ni Pangulong Duterte. Inilabas na ng Office of the Executive Secretary at ng Office of the Secretary of Justice na kabilang din sa Judicial and Bar Council na si G. Menardo Guevarra ang appointment papers ng kahalili ni Chief Justice Teresita de Castro.

Si Chief Justice Bersamin ay 69 na taong gulang. Siya ang pumalit kay Chief Justice De Castro na naglingkod lamang ng 41 araw, ang pinakamaiksing panunungkulan sa 117 taong kasaysayan ng Korte Suprema.

Maglilingkod si Chief Justice Bersamin hanggang sumapit sa ika-70 kaarawan sa darating na ika-18 ng Oktubre, 2019.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino