Malamang na 'di patawarin ni Pangulong Duterte ang mga nahatulang pulis

2018-11-29 18:48:20

 

NANINIWALA si Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi gagawaran ng kapatawaran ni Pangulong Duterte ang tatlong pulis na napatunayang nagkasala ng pagpatay kay Kian delos Santos noong nakalipas na Agosto ng 2017.


Sa isang pahayag sa Malacanang, sinabi ni Secretary Panelo na hindi pahihintulutan ng pangulo ang anumang paglabag sa batas.  Marapat lamang na naaayon sa itinatadhana ng batas ang pagkilos ng mga alagad ng batas.


Nahatulan ang mga pulis sa kasong murder kaya't malayo ang posibilidad na gawaran ng pardon ng pangulo ang mga tauhan ng Caloocan City Police.


Sa panig naman ni Director General Oscar Albayalde ng PNP, sinabi niyang maging babala na ito sa mga pulis na lumalabag sa batas.  Pagpapa-alala lamang ang naging desisyon sa lahat ng tauhan ng pulisya na marapat sumunod sa batas sa kanilang mga operasyon.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino