Senador Ramon “Bong” Revilla, pinawalang-sala

2018-12-07 19:47:04

PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan at pinalaya na si dating Senador Ramon “Bong” Revilla sa kasong plunder sanhi ng sinasabing sampung bilyong pisong pork barrel scam.

Naglagak ng piyansa si G. Revilla na nagkakahalaga ng P 480,000 para sa iba pang mga kaso sa Sandiganbayan na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Ipinag-utos din ng hukuman ang pag-aalis ng pagbabawal kay G. Revilla na maglakbay sa ibang bansa. Nahatulan namang mabilanggo sina Richard A. Cambe sa New Bilibid Prison samantalang si Janet Lim Napoles naman ay sa Correctional Institute for Women.

Dumalo rin sa pagbasa ng hatol ang kapwa akusadong si dating Senador Jinggoy Estrada.

Na sa hukuman pa rin ang usapin laban kay G. Estrada na kinasasangkutan naman ng P 183 milyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino