Senador Antonio Trillanes IV, ipinadarakip ng hukuman sa Davao sa kasong libelo

2018-12-07 19:49:11

INIUTOS ni Judge Melinda Alconcel - Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54 na dakpin si Senador Antonio Trillanes IV sa kasong libelo. Maaaring magpiyansa ang sinumang akusado ng libelo.

Nagkakahalaga ang piyansa ng P 24,000. Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni dating Vice Mayor Paolo Duterte, anak ni Pangulong Duterte. Iniugnay ni Senador Trillanes ang dating bise-alkalde sa pagpupuslit ng bilyong pisong halaga ng shabu at pangingikil mula sa Uber at iba pang mga kumpanya.

Hindi pa mabatid kung alin sa mga reklamo ang nakarating na sa mga hukuman kaya't nag-utos na ang hukom na dakpin ang senador na madalas pumuna kay Pangulong Duterte at sa kanyang pamilya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino