Pangulong Duterte, 'di na dadalo sa pagsalubong sa mga batingaw

2018-12-11 13:55:08

KANSELADO na ang nakatakdang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating ng mga batingaw ng Balangiga bukas sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary for Media Relations Mia Reyes-Lucas na hindi na dadalo ang pangulo sa okasyon sa Pasay City bukas.

Lalahok na lamang si Pangulong Duterte sa seremonya sa Borongan sa Eastern Samar sa Sabado, ika-15 ng Disyembre. Ito ang pahayag nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ipagkakaloob ang mga batingaw sa Diocese of Borongan, ilang oras bago simulan ang Simbang Gabi.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino