Ika-2 pulong ng Geneva hinggil sa isyu ng Syria, itinakda ang petsa

2014-01-07 17:05:06

Matapos itakda ang petsa ng pagdaos ng ika-2 pulong ng Geneva hinggil sa isyu ng Syria, inanyayahan ang iba't ibang kalahok na panig ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN.

Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na hahatiin ang pulong sa dalawang yugto, sisimulan ang unang yugto sa ika-22 ng buwang ito, pero, babaguhin ang lugar ng pulong at idaraos ito sa Montreux, Switzerland.

At ang ika-2 yugto na idaraos sa ika-24 ng buwang ito ay inaabangan ng iba't ibang panig. Ang pamahalaan at oposisyon ng Syria ay kapuwa lalahok sa pag-uusap sa yugtong ito.

salin:Wle

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino