Proposal sa pagpapadami ng reserbang ginto, itinanggi sa reperendum ng Switzerland

2014-12-01 14:48:02 CRI

GENEVA-Itinanggi ng mga botanteng Swiss sa reperendum ang isang proposal na layong paramihin ang reserbang ginto ng bansa.

Ayon sa proposal na tinawag na "Save Our Swiss Gold" na iniharap ng makakanang Swiss People's Party, kailangang bumili ng mas maraming ginto ang Bangko Sentral ng Switzerland para di-kulangin sa 20% ang proporsyon ng ginto sa kabuuang reserba nito. Sa kasalukuyan, 7% ang proporsyong ito.

Ayon sa datos, 77% ng mga botante ang tumutol sa nasabing proposal. Samantala, 49.85% ang turnout rate.

Ang Switzerland ay ang bansang may pinakamalaking reserbang ginto per capita sa daigdig.

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino