Rio Olympic Games, ipininid; Pilipinas, nakuha ang unang medalya sa weightlifting sa Olimpiyada

2016-08-22 12:47:52 CRI CRI

Rio de Janeiro, Brazil—Ipininid gabi ng Linggo, Agosto 21, 2016 ang Rio Olympic Games.

Labing-isang libo at apat na raang (11,400) atleta mula sa 206 bansa at rehiyon ang kalahok sa katatapos na Olimpiyada.

Mga manlalaro habang nagmamartsa, hawak ang watawat ng Olimpiyada at pambansang watawat ng kani-kanilang bansa sa seremonya ng pagpipinid ng 2016 Rio Olympic Games, Rio de Janeiro, Brazil, Aug. 21, 2016. (Xinhua/Yin Bogu)

Fireworks display sa Maracana Stadium sa seremonya ng pagpipinid ng 2016 Rio Olympic Games, Rio de Janeiro, Brazil, Aug. 21, 2016. (Xinhua/Yin Bogu)

Nakuha ni Hidilyn Diaz ang medalyang pilak sa Weightlifting Women's 53 kg sa Rio Olympic Games, noong Agosto 8. Ito ang unang medalyang natamo ng Pilipinas sa weightlifting sa Olympiyada. Sa kabuuan, limang medalyang ginto, sampung medalyang pilak at dalawang medalyang bronse ang nasungkit ng mga bansa ng Timog-silangang Asya. 

Si Hidilyn Diaz na nakangiti at kumakaway makaraang manalo ng medalyang pilak sa Final ng Weightlifting Women's 53 kg, 2016 Rio Olympic Games. (Xinhua)

Si Hidilyn Diaz habang binubuhat ang bigat na 200 kg sa Final ng Weightlifting Women's 53 kg, 2016 Rio Olympic Games. (Xinhua)

Ang Estados Unidos, Britanya, Tsina, Rusya, Alemanya, at Hapon ang natala sa una hanggang ika-6 na puwesto ng listahan ng medalya.

Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino