Italya, nagluluksa para sa mga biktima ng lindol

2016-08-28 14:20:13 CRI CRI

Idinaos Sabado, Agosto 27, 2016 ng Italya ang pambansang pagluluksa para sa mga biktima ng lindol na may lakas na 6.0 magnitude sa dakong gitna ng bansa na naganap Miyerkules, Agosto 24.

Ayon sa pahayag Sabado ng gabi ng Ministri ng Proteksyong Sibil, umabot sa 291 ang namatay sa lindol.

Ayon naman sa Insitutong Heolohikal ng Italya, patuloy ang mga aftershock at sa kabuuan, mahigit 1,300 aftershock ang naganap sapul nang yanigin ang bansa ng 6.0-magnitude na lindol Miyerkules.

Mga kamag-anakan na nagluluksa para sa mga biktima sa mass funeral sa Ascoli Piceno, Italya, August 27, 2016. (Xinhua)

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino