Di kukulangin sa 16, patay sa sunog sa bodega sa Moscow

2016-08-28 14:44:18 CRI

Di kukulangin sa 16, patay sa sunog sa bodega sa Moscow

Di kukulangin sa 16 katao ang namatay at apat ang nasugatan sa sunog sa bodega sa dakong hilaga ng Moscow, kabisera ng Rusya. Ang lahat ng mga nasawi ay naiulat na migrant worker taga-Kyrgyzstan. Samantala, Labindalawa (12) ang nailigtas.

Naganap ang sunog Sabado ng umaga sa bodega ng pabrika ng paglilimbag sa kahabaan ng Altufyevskoe Highway. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Emergency Ministry ng Rusya, ang sunog ay naganap dahil sa sirang lampara. Inutusan na ng alkalde ng Moscow na si Sergey Sobyanin ang mga may kinalamang departamento na ganap na iimbestigahan ang nasabing insidente.

Salin: Jade

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino