BRICS, patitingkarin ang papel sa sistema ng pandaigdig na pangangasiwa

2016-09-04 12:07:24 CRI CRI

Bago buksan ang Ika-11 G20 Summit Linggo ng hapon, Setyembre 4, 2016 sa Hangzhou, siyudad sa dakong silangan ng Tsina, nagdaos ng di-pormal na pulong ang mga lider mula sa Brazil, Rusya, India, Tsina at South Africa (BRICS).

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (gitna), kasama nina Indian Prime Brazilian President Michel Temer (dulong kaliwa), Minister Narendra Modi (ika-2 sa kaliwa), Russian President Vladimir Putin (ika-2 sa kanan) at South African President Jacob Zuma (dulong kanan). (Xinhua/Yao Dawei)

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (gitna), kasama nina Indian Prime Brazilian President Michel Temer (dulong kaliwa), Minister Narendra Modi (ika-2 sa kaliwa), Russian President Vladimir Putin (ika-2 sa kanan) at South African President Jacob Zuma (dulong kanan). (Xinhua/Yao Dawei)

Sa ngalan ng bansang punong-abala ng 2016 G20 Summit, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng panalubong sa ibang mga lider ng BRICS.

Ani Xi, bilang nangungunang ekonomiya sa mga bagong kabuhayan at umuunlad na bansa, at miyembro ng G20, kailangang pahigpitin ng BRICS ang koordinasyon para patingkarin ang kanilang papel sa sistema ng pandaigdig na pangangasiwa.

Nagpasiya ang mga lider ng BRICS na pahigpitin ang kanilang estratehikong partnership at pasulungin ang pagtatatag ng pantay-pantay at makatarungang pandaigdig na kaayusan, batay sa mga pandaigdig na batas.

Idaraos ang 2016 G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre. Ang tema nito ay “Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig.”

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino