"Ministro ng Impormasyon ng IS," pinatay ng Amerika

2016-09-17 14:44:28

Ayon sa Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos nitong Biyernes, Setyembre 16, 2016, sa isang air strike na isinagawa kamakailan ng tropang koalisyon na pinamumunuan ng Amerika, pinatay si Waayeel, "Ministro ng Impormasyon ng Islamic State (IS)."

Sinabi nang araw ring iyon ni Peter Cook, tagapagsalita ng nasabing kagawaran ng Amerika, na noong Hulyo ng kasalukuyang taon, matagumpay na isinagawa ng tropang koalisyon ang tamang-tamang atake kay Waayeel sa paligid ng Raqqa, lunsod sa kahilagaan ng Syria.

Ayon pa kay Cook, nitong kalahating buwang nakalipas, ito ang ikalawang matagumpay na tumpak-tumpak na atakeng isinagawa ng tropang koalisyon laban sa mataas na lider ng IS.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino