Rusya at pamahalaan ng Syria, pinabulaanan ang pag-atake sa aid convoy sa Aleppo

2016-09-21 16:30:29 CRI

Kapwa ipinahayag kahapon, Martes, ika-20 ng Setyembre 2016, ng Rusya at pamahalaan ng Syria, na wala silang kinalaman sa pag-atake sa isang komboy na naghahatid ng makataong tulong, na naganap kamakalawa sa Aleppo, lunsod sa hilagang Syria.

Bilang tugon sa sinabi ng ilang media na ang naturang komboy ay naging target ng air strike ng tropang panghimpapawid ng Rusya at tropa ng pamahalaan ng Syria, ipinahayag ng Ministri ng Tanggulan ng Rusya, na pagkaraang analisahin ng mga dalubhasa ang video footage ng lugar na pinangyarihan ng pag-atake, wala roon hukay o iba pang bakas na likha ng mga bomba, at ito ay nagpapakitang walang naganap na air raid.

Pinabulaanan naman ng tropa ng pamahalaan ng Syria ang pagsasagawa ng air strike sa lugar na pinangyarihan ng naturang pag-atake.

Sa may kinalamang ulat, ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Syrian Arab Red Crescent, International Committee of the Red Cross, at International Federation of Red Cross Red Crescent Societies, ang komboy nilang naghahatid ng makataong tulong at isang imbakan naman ay inatake kamakalawa ng gabi. Ikinamatay ito ng 1 staff nila at 20 sibilyan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino