Kaligtasan ng international civil aviation, pinapahigpit ng UN

2016-09-23 15:10:07 CRI

Pinagtibay Setyembre 22, 2016 ng United Nations Security Council(UNSC) ang resolusyon hinggil sa pagpapahigpit ng kaligtasan ng international civil aviation. Humihiling ang UN sa ibat-ibang kasaping bansa nito na isagawa ang mabibisang hakbang, at pahigpitin nilang pagtutulungan sa larangan ng impormasyon, katarungan, at teknolohiya, para pigilin ang teroristikong bantang nakatuon sa abyasyong sibil. Kinondena rin ng UN ang lahat ng mga pag-atake dito, na lumilikha ng malaking kapinsalaan ng buhay at ari-arin ng komunidad ng daigdig.

Ipinahayag naman ni Ginoong Wu Haitao, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UNSC ang pag-asang matutupad ng mga kasaping bansa ng UN ang nasabing resolusyon, at isasagawa ang mabibisang hakbang para ibayong pabutihin ang kaligtasan ng civil aviation.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino