Tsina, positibo sa kalutasang pampulitika ng isyu sa Syria-Kinatawang Tsino sa UN

2016-09-26 15:35:24 CRI

Sa pangkagipitang pulong ng United Nations Security Council(UNSC) hinggil sa isyu ng Syria, ipinahayag Setyembre 25, 2016, ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na sa kasalukuyang masalimuot na kalagayan ng Syria, inaasahang igigiit ng komunidad ng daigdig ang paglutas sa isyung ito, sa pamamagitan ng paraang pampulitika, at gaganap ang UN ng gumagabay at namumunong papel sa proseso ng mediyasyon.

Ipinahayag din ni Liu ang pagkabahala sa malaking kasuwalti ng mga sibilyan at pag-atake laban sa komboy ng UN, na dulot ng eskalasyon ng armadong sagupaang naganap kamakailan sa Syria.

Umaasa si Liu na totohanang matutupad ng ibat-ibang panig sa Syria ang mga may-kinalamang resolusyon ng UN hinggil sa isyu ng Syria. Samantala, inaasahan aniya niyang pasusulungin ng komunidad ng daigdig ang paglutas sa isyung ito, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng tigil-putukan, talastasang pampulitika, pagbibigay ng makataong tulong, at magkakasamang pagbibigay-dagok sa terorismo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino