Pangkagipitang pulong ng UNSC sa isyu ng Syria, idinaos

2016-09-26 15:37:11 CRI

Idinaos Setyembre 25, 2016 ng United Nations Security Council ang pangkagipitang pulong para talakayin ang eskalasyon ng sagupaan, sa pagitan ng sandatahang lakas ng pamahalaan at oposisyon ng Syria, na naganap kamakailan sa Aleppo, sa gawing hilaga ng bansa.

Ipinahayag sa pulong ni Staffan de Mistura, Sugo ng UN sa isyu ng Syria na apektado ng eskalasyon ng sagupaan ang isinasagawang pagbibigay-makataong tulong ng UN sa Syria at pamumuhay ng mga residente sa lokalidad.

Ayon sa mungkahing magkasamang iniharap kamakailan ng Amerika at Rusya, isinagawa sa Syria ang isang linggong tigil-putukan, mula Setyembre 12-18, 2016.

Ipinatalastas naman Setyembre 19, 2016 ng sandatahang lakas ng pamahalaan ng Syria ang pagtatapos ng nasabing pansamantalang kasunduan sa tigil-putukan.

Sa kasalukuyan, di-pa nagkakasundo ang Amerika at Rusya hinggil sa pagpapatuloy o hindi ng nasabing tigil-putukan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino