Kasunduan hinggil sa Hinkley Point nuclear project, nilagdaan ng Britanya, Tsina't Pransya

2016-09-30 11:46:02 CRI

London,Britanya-Nilagdaan ng Britanya, Tsina't Pransya ang Pinal na Kasunduan hinggil sa Hinkley Point C (HPC) Nuclear Project.

Ang HPC project ay matatagpuan sa Somerset ng Britanya. Magkasamang itatatag ito ng China General Nuclear Power Corporation (CGN) at EDF Energy, kompanyang Pranses. Nakatakdang matapos ang konstruksyon sa 2025.

Sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Greg Clark, Kalihim ng Estado ng Britanya para sa Negosyo, Enerhiya at Estratehiyang Industriyal na ang paglagda ng kontrata ay mahalagang sandali para sa pagtatatag ng unang bagong nuclear power plant ng kanyang bansa. Idinagdag pa niyang kailangang i-upgrade ng Britanya ang suplay ng enerhiya, at alam na alam ng kanyang bansa na ang mga nuclear power station na gaya ng Hinkley ay gumaganap ng mahalagang papel para matiyak ang low-carbon energy security ng bansa sa hinaharap.

Kasama ni Clark, sina Jean-Bernard Levy, EDF chairman at CEO, at He Yu, CGN chairman ay pumirma sa nasabing kasunduan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino