Paglaki ng kabuhayang pandaigdig, nananatiling mabagal--IMF

2016-10-05 17:51:16 CRI

Ipinalabas kahapon, Martes, ika-4 ng Oktubre 2016, ng International Monetary Fund (IMF) ang pinakahuling ulat hinggil sa pagtaya sa kabuhayang pandaigdig.

Sa ulat, ipinahayag ng IMF, na mahina at di-matatag pa rin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at lumalakas ang proteksyonismong pangkalakalan sa iba't ibang lugar ng daigdig. Anito, dahil sa mga elementong ito, nananatiling mabagal ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Pinanatili ng IMF ang tinatayang 3.1% na paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito, at 3.4% na paglaki sa susunod na taon. Pero, binaba nito ang tinatayang paglaki ng kabuhayan ng mga maunlad na ekonomiya, na gaya ng Amerika at ilang bansang Europeo. Samantala, optimistiko ang IMF sa paglaki ng kabuhayan ng mga bagong-sibol at umuunlad na ekonomiya.

Kabilang dito, pinanatili ng IMF ang tinatayang 6.6% na paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa taong ito, at 6.2% na paglaki sa susunod na taon. Positibo ito sa isinasagawang pagbabago ng kabuhayang Tsino, na tungo sa sustenableng pag-unlad. Ipinaalaala rin ng IMF sa Tsina na bigyang-pansin ang panganib na dulot ng paglaki ng pautang.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino