OPEC, nagsisikap para sa katatagan ng pamilihan

2016-10-12 09:24:10 CRI

Ayon sa pinakahuling buwanang ulat na isinapubliko Oktubre 11, 2016 ng International Energy Bureau, tumaas sa 33.64 milyong bariles ang daily crude oil output ng Organization of Petroleum Exporting Countries(OPEC), noong Setyembre 2016, na naging bagong rekord sa produksyon ng langis.

Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ni Mohammed Barkindo, Pangkalahatang Kalihim ng OPEC sa Istanbul, Turkey, kung saan isinasagawa ang ika-23 World Energy Conference(WEC), na tatalakayin, Oktubre 12, 2016 ng mga kalahok ang hinggil sa pagpabawas ng produksyon ng langis, para pangalagaan ang katatagan ng pamilihan.

Anang nasabing ulat, kasalukuyang nababawasan ang pangangailangan ng langis sa buong mundo, dahil sa pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino