Limitasyon ng Amerika laban sa Cuba, ibayo pang mapapaluwag

2016-10-15 14:50:12

Ipinatalastas Biyernes, Oktubre 14, 2016, ng Estados Unidos na ibayo pang nitong paluluwagin ang limitasyon laban sa Cuba sa mga larangang gaya ng komersyo, at kalakalan.

Ipinahayag ng Amerika na isasagawa ang isang serye ng hakbangin para mapalawak ang pagkakataong komersyal at pangkalakalan sa pagitan ng Amerika at Cuba, at mapalakas ang kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya at pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa. Magkakabisa anito ang mga hakbanging ito sa ika-17 ng kasalukuyang buwan.

Ipinahayag ni Jacob J. Lew, Secretary of the Treasury ng Amerika, na sapul nang mapanumbalik ang proseso ng normalisasyon ng bilateral na relasyon ng Amerika at Cuba noong katapusan ng taong 2014, inaalis na ng kanyang bansa ang limitasyon laban sa Cuba sa mga larangang tulad ng turismo, komersyo at kalakalan, bangko, at tele-komunikasyon. Aniya, ang nasabing mga bagong hakbangin ay makakalikha ng mas maraming pagkakataong ekonomiko para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino