Mga bansang Aprika, nagtatampok sa seguridad na pandagat

2016-10-16 17:17:22

Ayon sa Charter on Maritime Security and Safety and Development na pinagtibay Sabado, Oktubre 15, sa Extraordinary Summit on Maritime Security, Safety and Development, buong sikap na patatatagin ng Unyong Aprikano (AU) ang isang mekanismo ng pagkokoordinahan at pagmomonitor para magkasamang harapin ang banta sa rehiyong pandagat ng Aprika.

Sa naturnag katatapos na summit, ipinahayag ni Idriss Deby, Pangulo ng Chad at Kasalukuyang Tagapangulo ng AU, na ang naturang charter ay makakatulong sa pag-unlad ng kalakalan, paggagalugad sa dagat, at pagdudulot ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay para sa mga bansang Aprikano.

Bukod dito, nabanggit niya ang banta ng mga pandarambong sa dagat para sa mga bansang Aprikano. Naniniwala aniya siyang ang nabanggit charter ay makakatulong sa pagpigil sa mga transnasyonal na krimen sa dagat.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino