Amerika: konstruktibo ang papel ng AIIB sa kabuhayang pandaigdig

2016-10-19 11:09:21

Ipinahayag Martes, Oktubre 18, 2016 ni Nathan Sheets, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika, na gumaganap ng konstruktibong papel ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) sa kabuhayang pandaigdig.

Sinabi niya sa isang aktibidad ng Center for Strategic and International Studies (CSIS), na maganda ang ideya at mga serbisyo ng AIIB.

Sinabi rin niyang isinagawa ng AIIB ang mga mabisang hakbangin para makatugon sa pangangailangan ng konstruksyon ng imprastruktura sa Asya. Ito aniya ay nakakabuti sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Bukod dito, ipinahayag niyang ang mga aksyon ng AIIB ay angkop sa istandard na pandaigdig at patuloy na susubaybayan ng Amerika ang pag-unlad nito sa hinaharap.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino