Donald Trump, nanumpa sa tungkulin bilang pangulong Amerikano

2017-01-21 16:07:09 CRI CRI

Kahapon, Biyernes, ika-20 ng Enero 2017, nanumpa sa tungkulin bilang ika-45 pangulo ng Amerika si Donald Trump.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng panunumpa, inulit ni Trump ang pangako hinggil sa pagpapauna ng mga interes ng Amerika, na ginawa niya noong panahon ng pangangampanya.

Sinabi ni Trump, na sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang lahat ng mga patakarang ilalabas ng pamahalaang Amerikano sa mga aspekto ng kalakalan, buwis, imigrasyon, diplomasya, at iba pa, ay pawang naglalayong magbigay ng benepisyo sa mga manggagawa at pamilyang Amerikano. Binigyang-diin din niya ang dalawang prinsipyo sa kanyang administrasyon, na "buy American" at "hire American."

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino