Pagsasanggunian ng mga pangalawang ministrong panlabas ng SCO, idinaos

2017-01-21 17:08:03 CRI CRI

Idinaos kahapon, Biyernes, ika-20 ng Enero 2017, sa Moscow, Rusya, ang pagsasanggunian ng mga pangalawang ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Kalahok dito ang mga opisyal ng iba't ibang kasaping bansa ng SCO, pangkalahatang kalihim ng organisasyong ito, direktor ng Executive Committee ng SCO Regional Anti-Terrorist Structure, at iba pa.

Nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa pag-unlad ng SCO sa ilalim ng bagong kalagayan. Ipinalalagay nilang dapat ibayo pang palakasin ang koordinasyon ng mga kasaping bansa ng SCO, magkakasamang pangalagaan ang katiwasayan at katatagan sa rehiyong ito, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng mga kasaping bansa sa iba't ibang aspekto.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino