27, nasawi sa pagkadiskaril ng tren sa India

2017-01-22 17:41:54

27, nasawi sa pagkadiskaril ng tren sa India

Ayon sa pahayag ng panig pulisya ng India Linggo, Enero 22, 2017, 27 katao ang nasawi sa pagkadiskaril ng tren kagabi sa Andhra Pradesh ng bansang ito. Samantala, mahigit 100 ang sugatan.

Naipadala na ng pamahalaang lokal ang 10 ambulance car para isagawa ang pagsaklolo. Sa kasalukuyan, isinasagawa pa rin ang pagsusuri sa dahilan ng insidente.

Bukod dito, ipinahayag ng mga opisyal ng Departamento ng Daambakal ng India na bibigyan nila ng kompensasyon ang mga nasugatan at kamag-anak ng mga nasawi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino