Israel, aalisin ang limitasyon sa pagtatayo ng purok-panirahan ng mga Hudyo

2017-01-23 10:20:31 CRI

Sinabi Linggo, Enero 22, 2017 ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel na aalisin niya ang limitasyon sa pagtatayo ng purok-panirahan ng mga Hudyo sa dakong silangan ng Jerusalem.

Sa pulong ng gabinete, sinabi niyang ang naturang mga limitasyon ay isinagawa ng pamahalaang Israeli dahil sa presyur ng pamahalaan ni Barack Obama.

Nang araw ring iyon, pinagtibay ng pamahalaan ng Israel ang pagtatayo ng 566 na bagong pabahay sa purok-panirahan ng mga Hudyo sa dakong silangan ng Jerusalem.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Nabil Abu Rdainah, Tagapagsalita ng Pangulong Palestino, na ang nabanggit na aksyon ng Israel ay malubhang lumalabag sa resolusyon ng United Nations.

Nanawagan din siya sa UN Security Council na gawin ang mga aksyon para mapigilan ang Israel sa pagtatayo ng tirahan ng mga Hudyo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino