Amerika, pipigilan ng pagpasok ng mga refugees

2017-01-28 15:22:32 CRI

Nilagdaan Biyernes, Enero 27, 2017 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang executive order na humahadlang sa pagpapasok ng mga refugees sa kanyang bansa para mapigilan ang banta ng terorismo.

Ayon sa naturang order, sa loob ng darating na 4 na buwan, ititigil ng Amerika ang pagpasok ng lahat ng mga refugees para isagawa ang lubos na pagsusuri sa background information ng mga refugees; sa loob ng darating na 3 buwan, ititigil ang pag-iissue ng bisa sa mga sibilyan ng 7 bansa na gaya ng Iran, Sudan, Syria, Libya, Somalia, Yemen at Iraq, dahil sa elementong may kinalaman sa terorismo; pangmatagalang ipagbabawal ang pagpasok ng mga refugees mula sa Syria; at babawasan nang 50,000 ang itinakdang bilang ng pagtanggap ng mga refugees sa kasalukuyang fiscal year.

Noong panahon ng pamahalaan ni Barack Obama, ang nakatakdang bilang ng pagtanggap ng mga refugees ay nasa 110,000.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino