UN, umaasang agad na aalisin ang refugee ban ng Amerika

2017-02-01 18:33:32

Sa isang regular na preskon, ipinahayag kahapon ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng UN Secretary-General, ang pag-asang agad na aalisin ang refugee ban na isinasagawa ng Estados Unidos.

Sa naturang preskon, binasa ni Dujarric ang pahayag ni UN Secretary-General Antonio Guterres. Anang pahayag, nagiging limitadong-limitado ang proteksyon sa mga refugee dahil sa pagsara sa hanggahan ng mga bansa.

Sinabi ni Guterres na may karapatan at pananagutan ang iba't ibang bansa na buksan o sarhan ang kanilang hanggahan upang mapigil ang pagsalakay ng mga terorista, pero, hindi ito dapat maging pagtatangi laban sa alimang relihiyon, nasyonalidad o bansa.

Bukod dito, dagdag pa ni Guterres na ang pagtatangi ay posibleng makakatawag ng pagkabahala at galit na mapapasulong sa pagpapalaganap ng ideya ng mga grupong teroristiko.

Ayon sa executive order na nilagdaan ni Pangulong Donald Trump noong Enero 27, ititigil ang US refugee resettlement program sa loob ng 120 araw, ititigil ang pagbibigay ng bisa sa mga mamamayan ng Iran, Sudan, Syria, Libya, Somalia, Yemen at Iraq sa loob ng 90 araw, at ipagbabawal ang pagpasok ng mandarayuhan ng Syria sa loob ng di-takdang panahon.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino