Refugee and immigration ban ng Amerika, binatikos at tinutulan

2017-02-02 18:07:48 CRI CRI

Ang refugee and immigration ban na ipinalabas kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ay nagresulta sa pagpuna at pagtutol mula sa loob at labas ng bansa.

Noong Martes, ika-31 ng Enero 2017, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations, na ang mga hakbangin ng iba't ibang bansa ng pangangasiwa sa hanggahan at paglaban sa terorismo ay hindi dapat magresulta sa anumang porma ng pagkiling sa relihiyon, etniko, o kabansaan. Umaasa aniya ang UN, na aalisin ng Amerika ang naturang pagbabawal sa lalong madaling panahon.

Nang araw ring iyon, sinabi naman ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, na hindi maganda ang naturang hakbangin ng Amerika. Aniya, ang paglaban sa terorismo ay hindi dapat maging pangangatwiran para sa paglaban sa lahat ng mga taong may takdang pananampalataya.

Sa loob naman ng Amerika, dahil sa kanyang pagtutol sa naturang kautusan ni Trump, nagbitiw si Sally Yates sa tungkulin bilang acting Attorney General ng Department of Justice. Sinabi naman ni Bob Ferguson, Washington State Attorney General, na ilegal ang naturang pagbabawal, at isasakdal niya si Trump kaugnay nito. Ipinahayag naman ng mga malaking kompanya ng Amerika ang pagkabahala at pagtutol sa naturang pagbabawal.

Ayon sa naturang kautusan ni Trump, ipapataw ng Amerika ang 120-araw na pagbabawal sa lahat ng mga refugee sa pagpasok sa bansang ito, at ang pagbabawal sa mga refugee mula sa Syria, sa loob ng di-tiyak na panahon. Samantala, ipagbabawal din ng Amerika ang pagpasok ng mga mamamayan mula sa Iran, Sudan, Syria, Libya, Somalia, Yemen, at Iraq, sa loob ng 90 araw.

Salin: Liu Kai

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino