Embargo ng pagpasok ng mga dayuhan sa Amerika, itinigil ng State Department

2017-02-05 14:09:06 CRI

Batay sa hatol noong Biyernes, Pebrero 3, 2017 ni James Robart, Federal Judge sa Seattle, Washington State, ipinahayag Sabado ng State Department ng Amerika na pansamantalang itinigil ang executive order ni Pangulong Donald Trump hinggil sa pagbabawal ng pagpasok ng mga refugees mula sa iba't ibang dako ng daigdig at mga Iranian, Sudanes, Syrian, Libyan, Somalian, Yemenes, at Iraqi, sa Amerika.

Simula nang araw ring iyon, maari na muling magpunta ang mga pasahero mula sa mga nasabing bansa papunta sa Amerika.

Dahil sa epekto ng order ni Trump, halos 60,000 bisa ang kinansela. Kaugnay nito, ipinahayag ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na muling bibigyang bisa ang naturang mga apektadong mamamayan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino