Amerika at Italya, palalalimin ang kooperasyon sa seguridad at paglaban sa terorismo

2017-02-05 15:15:57 CRI

Nag-usap sa telepono Sabado, Pebrero 4, 2017 sina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Paolo Gentiloni ng Italya para palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa seguridad at paglaban sa terorismo.

Ayon sa pahayag ng White House, tinalakay ng lider ng dalawang bansa ang mga isyung gaya ng kalagayan ng Libya, isyu ng refugees sa Europa, at G7 Summit na idaraos sa darating na Mayo sa Italya.

Sinang-ayunan nilang patuloy na isagawa ang mahigpit na kooperasyon at pagkokoordinahan hinggil sa pagbibigay-dagok sa Islamic State at ibang mga teroristikong organisasyon.

Binigyang-diin ni Trump na dapat magkasamang isabalikat ng mga kasaping bansa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang mga gastusin ng organisasyong ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino