Pangkaalyadong relasyon ng Amerika at Hapon, pahihigpitin

2017-02-05 16:01:29

Pangkaalyadong relasyon ng Amerika at Hapon, pahihigpitin

Buong pagkakaisang ipinahayag Sabado, Pebrero 4, 2014 sa Tokyo nina Tomomi Inada, Ministro ng Depensa ng Hapon, at kanyang counterpart na si James Mattis ng Amerika, na patuloy na pahihigpitin ang relasyong pangkaalyado ng dalawang bansa.

Sa news briefing pagkatapos ng pag-uusap, ipinahayag ni Tomomi Inada na napakahalaga ng relasyon ng dalawang bansa para sa kalagayang panseguridad ng Asya-Pasipiko. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagdalaw ni Mattis sa Hapon at Timog Korea, lalo pang lalalim ang kooperasyong panseguridad ng tatlong bansa.

Ipinahayag naman ni Mattis na ipinapauna ng pamahalaang Amerikano ang diplomatikong relasyon sa mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, lalo na sa mga kaalyadong bansa na gaya ng Hapon.

Kaugnay ng isyu ng paglilipat ng Marine Corps Air Station Futenma ng tropang Amerikano, buong pagkakaisang ipinahayag nilang ililipat ang nasabing paliparan sa Henoko ng Okinawa Prefecture.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino