Amerika at Hapon, palalakasin ang relasyong panseguridad, pangkabuhayan at pangkalakalan

2017-02-11 15:09:35

White House - Nag-usap nitong Biyernes, Pebrero 10, 2017, sina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Ipinahayag nila na palalakasin ng dalawang bansa ang relasyong pang-alyansa ng dalawang bansa sa larangang panseguridad, at palalalimin ang kanilang bilateral na pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan.

Sa magkasanib na pahayag na inilabas pagkaraang mag-usap ang dalawang lider, nangako ang Amerika na gamitin ang lahat ng puwersang militar nito na gaya ng sandatang karaniwan at nuklear upang maproteksyunan ang Hapon. Hindi anito nagbabago ang pangakong ito.

Sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan naman, ipinagdiinan ng dalawang lider na dapat palalimin ang bilateral na kalakalan at relasyong pampamumuhunan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino