Reperendum sa pagsusog ng konstitusyon, idaraos ng Turkey

2017-02-12 14:59:27

Ipinatalastas nitong Sabado, Pebrero 11, 2017, ni Sadi Guven, Presidente ng Supreme Electoral Council ng Turkey, na idaraos ng kanyang bansa ang reperendum sa ika-16 ng Abril ng taong ito upang pagpasiyahan kung aaprobahan o hindi ang constitutional amendment. Ayon dito, isasagawa ng Turkey ang presidential system mula parliamentary system.

Nitong Biyernes, Pebrero 10, inaprobahan ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey ang nasabing constitutional amendment. Pagkaraan nito'y agaran niyang ipinasiyang idaos ang reperendum tungkol dito.

Ayon sa ulat, kung maaaprobahan ang constitutional amendment, kinakailangan nito ang di-kukulangin sa 51% pagkatig ng mga mamamayan ng Turkey. Kung maaaprobahan, magsisimulang isagawa ng Turkey ang presidential system mula taong 2019.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino