Isyu ng Syria at Iraq, tinalakay nina António Guterres at Recep Tayyip Erdogan

2017-02-12 15:09:13

Turkey - Tinalakay nitong Sabado, Pebrero 11, 2017, nina António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), at Recep Tayyip Erdogan, Pangulo ng Turkey, ang tungkol sa situwasyon ng Syria at Turkey.

Kaugnay ng isyu ng Syria, ipinag-diinan ni Guterres ang kahalagahan ng pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo sa Syria. Dapat aniyang malutas ang isyu ng Syria sa paraang pulitikal, kung hindi, hindi matatamo ng anti-terrorism action sa Syria ang tagumpay.

Kaugnay ng situwasyon ng Iraq, binigyang-diin ni Guterres na hindi dapat pasidhiin ng kasalukuyang aksyon laban sa "Islamic State (IS)" ang alitan sa pagitan ng mga relihiyon sa loob ng Iraq. Dapat aniya itong maging "simbolo ng rekonsilyasyon ng nasyon."

Bukod dito, hinahangaan din niya ang pagtanggap ng Turkey ng maraming refugees mula sa Syria at Iraq.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino