Kaunlaran, mahalagang paraan ng pagpigil sa sagupaan-- António Guterres

2017-02-19 18:43:58 CRI

Munich—Ipinahayag Sabado, Pebrero 18, 2017 ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN) na sa harap ng mahinang kalagayang pandaigdig, ang kaunlaran ay mahalagang paraan ng pagpigil sa sagupaan.

Nang araw ring iyon, dumalo at nagtalumpati si Guterres sa ika-53 Munich Security Conference. Tinukoy niyang ang mga pandaigdigang tunguhing gaya ng pagbabago ng klima, labis na pagdaragdag ng populasyon, pagtaas ng panganib sa seguridad ng pagkaing-butil at iba pa ay humantong sa mainit na kompetisyon sa yaman, bagay na nagpataas ng posibilidad ng pagkaganap ng sagupaan sa buong mundo.

Ipinalalagay niyang ang kaunlaran ang magiging susi para maging malakas ang mga soberanong bansa at organisasyong pandaigdig, para mapawi ang panganib ng sagupaan. Aniya, upang mapasulong ang pagsasakatuparan ng target ng sustenableng pag-unlad, pinapalalim ng UN ang reporma. Kakatigan din aniya ang iba't ibang bansa na igalugad ang mga umiiral na yaman, para maisakatuparan ang kaunlaran.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino