Tatlong medalyang ginto, nakuha ng delegasyong Tsino sa Asian Winter Games

2017-02-21 15:32:10 CRI

Pebrero 20, 2017, tatalong medalyang ginto ang napasakamay ng delegasyong Tsino sa kasalukuyang 8th Asian Winter Games, sa Sapporo, Hapon.

Ang kauna-unahang ginto ng Tsina ay nakuha ni Man Dandan sa Women's 1.4km Individual Sprint Classical Cross Country Skiing. Samantala, ang dalawang iba pang ginto ay galing sa Women's Snowboard Slalom, at Men's 500m Speed Skating. Bukod dito, isang medalyang pilak at isang tanso ang nakuha ng mga atletang Tsino sa Men's 1,500m Short Track Speed Skating, at Women's 1,500m Short Track Speed Skating.

Sa kasalukuyan, nasa unang puwesto ang delegasyon ng Timog Korea na may anim na ginto, kasunod ay Hapon at Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino