Dalawang ginto sa 500m Short Track Speed Skating, nakuha ng Tsina

2017-02-22 14:28:18 CRI

Sa pagpapatuloy, Pebrero 21, 2017 ng 8th Asian Winter Games sa Sapporo, Hapon, nakuha ni Wu Dajing ng Tsina ang medalyang ginto sa Men's 500m Short Track Speed Skating. Samantalang isa pang ginto ang napanalunan ni Zang Yize sa Women's 500m Short Track Speed Skating. Bukod dito, natamo ng atletang Tsino na si Zhang Hong ang tanso sa Women's 1500m Speed Skating at isa pang medalyang tanso ang nasungkit ng koponang Tsino sa Women's Team Pursuit Speed Skating.

Sa kasalukuyan, nasa unang puwesto ang Hapon na may walong ginto. Nasa ika-2 puwesto naman ang Timog Korea na may anim na ginto at sinusundan ng Tsina na may limang ginto.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino