Pagsasanggunian sa seguridad at paglaban sa terorismo ng Tsina at Rusya sa antas ng pangalawang ministro, idinaos sa Moscow

2017-03-01 10:33:47 CRI

MOSCOW, Pebrero 27, 2017--Idinaos dito ang pagsasanggunian hinggil sa seguridad at paglaban sa terorismo ng Tsina at Rusya sa antas ng pangalawang ministro. Magkasama itong pinanguluhan nila Li Huilai, Assistant Foreign Minister ng Tsina at Oleg Syromolotov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya.

Nagpalitan ng mga palagay ang dalawang panig hinggil sa kalagayan ng paglaban sa terorismo ng daigdig at rehiyon, kooperasyon ng dalawang bansa sa seguridad at iba pa. Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na dapat ibayo pang palakasin ang kooperasyon, at magkasamang pangalagaan ang seguridad at katatagan ng dalawang bansa at rehiyon.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino